18/09/2026
Isang malaking THANK YOU po sa lahat ng naging bahagi ng aming Barangay Tourism Showcase! ❤️🙏
First of all, maraming salamat po sa aming Brgy. Kapitan, Kap. Arthur Lirio. Hindi po kayo nagdalawang-isip na suportahan kami. Sa pagkakasabi ko pa lang po sa inyo, agad-agad kayong nagpatawag ng meeting para mapagplanuhan ang design ng ating booth. Salamat po sa tiwala, suporta, at effort mula umpisa hanggang matapos. ❤️
Thank you rin po, Kons. Polly de Sagon! Simula pa lang, kasama na po namin kayo sa pag-aayos at paghahanap ng materials hanggang sa actual na pagse-set up ng booth. Salamat din po sa inyong effort at sa free food! 🥰
Sa aming Barangay Office staff, kina Ate Marissa at Ate Nemie and ate shiela, maraming salamat sa pagtulong sa akin sa pag-design ng booth. Kay Ate Lina, salamat po sa mga materials na ibinigay ninyo.
Sa aming mga Barangay Tanod, maraming salamat po sa pagbubuhat, pagkuha ng mga kugon, paghatid at pag-drive papuntang City Hall, at pagsundo pagkatapos ng event. Salamat sa inyong walang sawang tulong! ❤️
At syempre, kina Ate Jean Guevarra at Sis Jena Pamplona, maraming salamat sa inyong effort, time, at sa masasarap ninyong products. Thank you for being part of this journey! ❤️
Consolation award man, malaking achievement pa rin para sa amin. 🏆❤️ Ang mahalaga, nabuo natin ang booth through teamwork, bayanihan, at suporta ng bawat isa.
Proud and grateful to be part of Barangay Balele! ❤️
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat! 🙏🥰