06/07/2026
A little appreciation post. 🤎🍪
Maraming salamat sa lahat ng umorder noong last Saturday batch! Sobrang nakaka-heartwarming yung support niyo. 🥹 Dahil sa inyo, napuno ang Saturday orders at kinailangan pa naming mag-extend hanggang Sunday batch dahil nagkulang pa.
Napansin niyo siguro na medyo hindi kami naging active sa pagpo-post nitong mga nakaraang araw. Sa totoo lang, sobrang busy lang talaga sa pag-aasikaso ng orders at minsan ang hirap pagsabayin ang pagba-bake, pagpa-pack, pagre-reply sa messages, at pag-edit ng photos/videos. Ang dami ko sanang behind-the-scenes na na-capture habang nagbe-bake, pero hindi ko pa talaga nagagawang i-edit dahil tuloy-tuloy ang ginagawa.
Pero gusto ko pa ring magpasalamat sa bawat isa sa inyo. Every order, repeat customer, recommendation, at support means so much to this small business.
Thank you for choosing us every time you’re craving something sweet. More freshly baked treats coming your way soon! 🤎🍪