06/09/2026
Pabatid.!!
may mga reservation parin na napapadpad sa page na di na natin nacocontrol at AI generated na ang reply with auto reply.
transact to our New fb Page: Ballog Lechon Package Pangasinan Delivery
Maraming salamat po sa lahat ng umorder ng aming whole lechon baboy nitong New Year.
Umabot po tayo sa 70 whole lechon baboy na aming naiserve—isang malaking karangalan at biyaya para sa amin.
Humihingi po kami ng taos-pusong paumanhin sa mga customers na hindi na namin natanggap ang order dahil sa sobrang dami ng reservations. Ginawa po namin ito upang masigurong maibigay namin ang maayos at ligtas na serbisyo sa mga tinanggap naming orders.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa inyong pag-unawa na sa panahon ng napakaraming order, hindi po lahat ay magiging close to perfection dahil sa high volume ng trabaho. Gayunpaman, sinikap po namin na maibigay ang best quality at serbisyo na aming makakaya.
Maraming salamat po sa tiwala, pasensya, at patuloy na suporta.
Ito po ang magsisilbing inspirasyon namin upang mas pagbutihin pa ang aming serbisyo sa mga susunod na okasyon.”
Ganun din sa sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng aming lechunan sa loob ng isang buong taon.
Mula sa masinsinang preparation, mahabang oras ng pag-iihaw, hanggang sa maayos at ligtas na delivery ng bawat lechon—ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang sipag, tiyaga, at pagtutulungan ng bawat isa.
Maraming puyat, pagod, at sakripisyo ang dinaanan, ngunit mas nanaig ang dedikasyon at malasakit sa trabaho. Sa bawat lechon na naihatid, dala nito ang sama-samang pagsusumikap at pagmamalaki ng buong team Ballog Lechon Pangasinan
Maraming salamat sa inyong oras, lakas, at walang sawang suporta.
Ito ang patunay na kapag sama-sama, kayang maitawid ang isang buong taon ng paghahatid ng lechon.
Naway makasama parin namin kayo ngayong 2026.
Muli maraming maraming salamat sa inyong lahat!!!