19/11/2023
POWER INTERRUPTION UPDATE:
Kaugnay po ng Total Power Interruption na naganap kaninang 06:43am na nakapag brown out sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro. Ang pamunuan po ng Ormeco ay humihingi ng pangunawa sa mga Members Consumers Owners na nasasakupan ng Buong Puerto Galera na ang pagkaantala ng pagbabalik ng normal na supply ng kuryente sa buong bayan ay sa kadahilanan po na ang linya po ng 69KV line papuntang Puerto Galera sa parte po ng Calangatan Substation ay kasalukuyan pong inaayos ang nasunog na Potential Transformer sa nasabing substation. Ang linya pong ito ang direktang daan para makapag supply po ng power papunta sa buong Puerto Galera . ito po ay kasalukuyang pinagtutulungan ng Grupo ng ORMECO, NPC at ORMIN na kumpunihin upang maibalik sa agadang panahon ang supply ng kuryente sa inyong lugar. Maraming Salamat po