23/05/2026
MAULAN O MAARAW, Hatid Namin ay Ginhawa!
Naitanong mo na ba kung ano nga ba ang ginagawa ng isang Dory Delivery Rider sa araw-araw?
Higit pa sa pagbibiyahe ng package mula Point A hanggang Point B ang kanilang misyon. Sila ang puso ng ating serbisyo, at narito ang ilan sa mga pangunahing tungkulin na buong-puso nilang ginagampanan:
Pagsusuri at Pagtiyak ng Order: Sinisigurado at tsine-tsek nang mabuti ang bawat detalye para tama at kumpleto ang makakarating sa inyo—mula sa paborito ninyong pagkain hanggang sa mahahalagang parcel.
Masusing Pagpili ng Ruta: Sila ang master sa paghahanap ng pinakamabilis at pinakaligtas na daan para makarating ang inyong mga order nang sariwa, mainit, at nasa oras.
Ligtas at Maingat na Pagbiyahe: Inaalagaan ang bawat parcel na parang kanila ito.Maging maseselang gamit, dokumento, o mabibigat na kargamento man yan, nakasisigurong secured ang paghawak.
Serbisyong May Ngiti: Hindi lang package ang kanilang hatid, kundi isang propesyonal, magalang, at tapat na serbisyo direkta sa inyong mga tahanan.
Dumadali ang lahat kapag may kasama, kaya naman mula sa inyong food cravings hanggang sa mga urgent na padala, ang aming mga riders na ang bahala para hindi ninyo na kailangang lumabas ng bahay!
Isang malaking saludo sa ating masisipag na Dory Delivery Riders na walang-pagod na nag-uugnay sa ating komunidad, isang matagumpay na delivery sa bawat araw! 🙌✨