12/01/2026
REGISTER NOW!📣
Ang Santolan High School Badminton Team (SHSBT) ay isang Community-Based Youth Organization na rehistrado sa National Youth Commission (NYC) / Youth Organization Registration Program (YORP). Ito ay isang masigla at organisadong grupo ng mga kasalukuyang mag-aaral at mga alumni na may iisang layunin at malasakit sa larangan ng badminton.
Bilang pagsisimula ng taong 2026, magsasagawa ang SHSBT ng isang membership drive na may kaukulang membership fee/annual fee. Layunin nito na mapanatili ang maayos na operasyon ng organisasyon bilang isang kinikilalang samahan ng kabataan at upang higit pang mapaangat ang antas ng pagsasanay at pagiging kompetitibo ng aming mga manlalaro.
Sa mga bonafide Santolan High School students and alumni na interesadong sumali, magregister lamang sa link na ito:
https://forms.gle/EF5hxZYbQHid3bSU7
Kitakits mga ka-SHSBT!🏸