Kavaca Chong - Do It Right

Kavaca Chong - Do It Right The gold standard for animal and meat handling is DO IT RIGHT!

25/08/2026

Matagal tagal din ako nawala mga KaVaCa, nagkasakit kasi ang inyong KaVaCa Chong. Nais nyo ba ako magpatuloy sa pag share about animal and meat handling? Suggest kayo mga KaVaca. Magandang araw!

10/05/2026

Happy Mother's day sa lahat ng superhero at wonder woman ng bawat tahanan. Mabuhay po kayong lahat. ❤️❤️❤️🙏🙏🙏🌹🌹🌹KaVaCa Chong

29/03/2026
20/03/2026

Hi mga KaVaCa, makikiuso muna ang inyong KaVaCa Chong. Pagbigyan nyo na ang mga nagpopogian at nag mamagandang mga butchers ng RSRH para pampa good vibes sa ating buhay! ゚

06/03/2026

AKO ITO MGA KaVACA! Hindi laging matatagpuan ang kahulugan ng buhay sa ingay, tagumpay, o palakpakan.

Minsan, ito’y nahahayag sa lalim, kapag naglakas-loob tayong harapin ang ating sarili…
sa dilim, kapag nawawala ang kasiguruhan…
at sa katahimikan, kapag tumitigil ang mundo upang marinig natin ang tinig ng ating kaluluwa.

Ang lalim ay nagtuturo ng pagpapakumbaba.
Ang dilim ay nagtuturo ng tapang.
Ang katahimikan ay nagtuturo ng katotohanan.

Habang hinahabol natin ang liwanag, doon natin napagtatanto na ang tunay na paglago ay nagsisimula sa mga sandaling walang nakakakita, sa tahimik na laban, sa mga dasal na walang nakakarinig, at sa pagpili nating magpatuloy kahit hindi malinaw ang landas.

Ang kahulugan ng buhay ay hindi lamang ang magningning, kundi ang magtiis… umunawa… at muling bumangon nang mas matatag, mas mahinahon, at mas totoo sa sarili.

Sa katahimikan, doon natin tunay na nakikilala kung sino tayo.



゚

Isang karangalan po na ma-interview ang inyong KaVaCa Chong ng napakahusay na vlogger na si Sir Baste ng The Epic Podcas...
17/02/2026

Isang karangalan po na ma-interview ang inyong KaVaCa Chong ng napakahusay na vlogger na si Sir Baste ng The Epic Podcast!

Punong-puno ito ng aral, inspirasyon, at mga kwentong may lalim na siguradong may mapupulot kayo sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Kung may natutunan kayo, huwag kalimutang i-like, i-share, at i-follow ang page na ito. At siyempre, i-follow din ang The Epic Podcast para mas marami pa tayong matutunan at mas lumawak ang ating pananaw.

Sama-sama tayong umangat. Click the link mga KaVaCa

Raymond Hernandez: Beef Industry, Modernization, Purpose, and Silence | Epic Podcast #68 Executive Producer and Host: Baste LimAssociate Producer, DOP, and E...

04/02/2026

Ang pagiging magaling na butcher ay hindi lang basta hiwa ng hiwa— sining ‘ito, disiplina ‘ito.

Hindi lahat ng gwapo nag aartista, yung iba nag bubutcher😂

Sa RSRH, ang tunay na butcher:
🔪 marunong ng tamang hiwa,
💪 sanay sa bigat ng trabaho,
🧠 matalas ang isip,
❤️ at may respeto sa hayop at kapwa.

Hindi kami basta macho—may malasakit.
Hindi lang pogi—may prinsipyo.
Hindi lang malakas—may puso at kalidad.

Para sa lahat ng butchers ng kahapon, ngayon, at bukas—
sa mga araw na pawis ang puhunan,
sa mga gabing pagod pero may dangal,
at sa bawat hiwang may kasamang pangarap.

Sa mga butcher sa buong mundo—
saludo kami sa inyo.
Dahil ang tunay na butcher,
marunong magtrabaho, may respeto, at may malasakit.

Mabuhay ang magagaling, magigiting, mga gwapo at magagandang butchers sa buong mundo! ゚

28/01/2026

PRESSURE & RELEASE: Ang sikreto sa galaw ng baka (walang stress!)

Ganito lang ‘yan:

👉 Bigay ng konting pressure – lapit, galaw, o signal lang.
👉 Kapag gumalaw na sa tamang direksyon—STOP.
👉 Release agad – umatras o humina ang pressure. Reward ‘yan.

Tandaan:
❌ Walang sigaw
❌ Walang palo
✅ May timing
✅ May respeto

Parang volume k**b: hina–lakas–hina.
Hindi on/off. 😉

Resulta:
✔️ Kalmadong baka
✔️ Ligtas na tao
✔️ Mas masarap na karne

Pressure + Release = Galaw na walang stress. 🐄

23/01/2026

🐄 Less Stress. More Flavor. 🔊➡️🚶‍♂️

Sa RSRH Livestock Corporation, hindi kailangang sumigaw, manakit, o manusok para gumalaw ang baka.
Isang cattle talker lang — mahinahon, malinaw, at may respeto.

✅ No shouting
✅ No steel blades
✅ No unnecessary stress

Dahil alam namin ang simpleng katotohanan na madalas nakakalimutan:
👉 Stress-free animal = good eating quality.

Kapag maayos ang paghawak sa hayop, ramdam ‘yan sa dulo ng kutsilyo at sa bawat subo —
malambot, masarap, at flavorful ang karne. 🥩🔥

Sa RSRH, ang bawat baka ay hinahawakan nang may Tender Loving Care,
para siguradong ang ihahain namin sa inyong mga hapag ay
karne ng bakang may dignidad… at may kalidad.

RSRH Livestock Corporation
💚 Where animal welfare meets world-class beef

31/12/2025

HAPPY NEW YEAR, KaVaCa Family!

Sa pagsalubong natin sa panibagong taon, taos-puso akong nagpapasalamat sa bawat KaVaCa follower.
Kayo ang dahilan kung bakit may saysay ang bawat laban, bawat pagsusumikap, at bawat paninindigan.

Sa darating na taon, nawa’y:
🙏 Mas tumibay ang ating pananampalataya
💪 Mas maging matapang tayong gawin ang tama, kahit hindi madali.

Hindi lahat ng tagumpay nasusukat sa yaman o kapangyarihan.
Ang tunay na panalo ay ang malinis na konsensya, matinong pamamahala, at buhay na may saysay.

Sama-sama tayong magpatuloy, hindi para magpasikat, kundi para maglingkod.
Hindi para magmadali, kundi para gawin nang tama.

Do it right.
Do it with faith.
Do it for others.

Maligayang Bagong Taon, KaVaCa!
Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta.

Address

256 M. Villarica Road Sta Rosa 1
Marilao
3019

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kavaca Chong - Do It Right posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category