20/07/2022
For now di pa kami nag tataas ng presyo kahit napaka inconsistent ng presyo ng main ingredients sa baking and wag naman sana dumating sa ganong punto pero kung dumating man, kung kinailangan man nawa'y patuloy pa rin kayong sumuporta.
Maraming salamat! 🙏🤍
For the past 2 years kini-keep po ni Cora yung promise nya sa lahat and that is to provide frugal sweets, frugal means - sparing or economical with regard to money or food. Galing po si Cora sa family na can't afford ang cake nung bata pa sya tuwing me okasyon and she thought of providing thrift beautiful quality cakes sa kanyang low-mid market.
At sa nakalipas po na mga buwan naramdaman po ng lahat ang pag taas ng mga presyo ng bilihin. Particular po na kaming mga homebakers ang naapektuhan ng mga ito.
Nag karoon po ng slow season ang aming munting negosyo pag pasok ng 2022, and as we try to keep up with the market competition nag taasan naman po ang mga presyo ng pangunahing ingredients sa baking. Pero ika nga, tuloy lang ang negosyo, palaging positibo. 🫶
Makaka help po kayo sa amin if you will continuously support small businesses like us.
Sisikapin ko po na patuloy mag provide ng mura at quality na custom made cakes. And hoping po na you keep supporting online sellers po na gaya ko.
Maraming salamat! 💜