03/08/2026
Sa kabila ng napaka daming sikat na coffee shops, bagong stalls at kiosk bakit nga ba Elle KAPÉ?
Bago pa lamang din kami sa ganitong business at hindi maipag-kakaila na madami pa kaming dapat na matutunan pero kung ano man ang aming naumpisahan ay hinding hindi namin pag-sasawaang palakihin.
Bago pa namin ito simulan, pinag isipan na namin maigi kung ano ang uniqueness na aming mai-ooffer sa aming mga customer. Habang ang iba ay gumagamit ng automatic espresso machine (Which is not bad), pero siguro ay mas prefer lang namin ang manual dahil gusto namin na nakikita ng aming mga customers kung paano kami mag serve ng masarap na kape kahit under pressure.
Masaya na kami sa mga ilan ilan na customers na nakaka-appreciate at sumusuporta saaming munting business pero alam namin na one day, kaya din namin humandle ng ingay at dami ng tao. Sa ngayon ay patuloy lang tayo sa pag sshow-up everyday.
Siguro nga kaya tayo may mga repeat customers ay dahil na-appreciate nila ang lasa ng freshly brewed coffee and freshly made drinks. Maraming salamat po palagi sa mga customers na pumipili saamin dahil sainyo kaya nabubuhay ang mga small businesses gaya namin.😊🫶