03/10/2024
Isang buwan na simula ng nangyari ang aksidente.
Sept. 3, onduty sa trabaho si papa ng naganap po ang aksidente. Si papa po ay under ng ageny Sac Corp at company Worklink Services Inc
Nangyari ang aksidente sa BICOL ISAROG BUS TERMINAL. Bicol Isarog Bus, Bicol Isarog Transport Terminal
Sept 3. Nasa passenger waiting area si papa nakaupo ng bigla na lang syang sinalpok ng nagMALFUNCTION na bus na kadarating lang.
Ayon po sa driver, hindi daw talaga sya ang may hawak ng bus na yun. Inutusan lang daw sya ng guard na ipark sa gilid (kadarating lang mula sa byahe). Naipark naman po ng driver, kaso sira daw po ang switch off ng bus sa loob kaya kailangan nya bumaba ng para patayin sa mismomg engine na nakalagay sa likod pa ng bus. Ang sabi ng driver bago daw sya bumaba nakaMAXI BREAK daw ang bus. Kaya laking gulat nya daw ng dahan dahan itong umabante, hanggang sa biglang bumilis at sinalpok ang passenger waiting area kung saan nakaupo si papa. Hindi nya na daw nahabol ang bus sa sobrang gulat.
Nabali po ang buto ni papa sa may hita(femur bone or thigh bone at binti (bone under the knee) at isang malaking sugat. Si papa po ay kasalukuyang nakaconfine sa Philippine Orthopedic Center sa Banawe,QC.
Sept. 3 naganap ang aksidente at senior birthday nya ng Sept.10 :(
Hindi na po kami nagsampa ng kaso sa driver at kumpanya, at nagkaroon na lang ng kasunduan na ibibigay lahat ng demand na nakasulat sa kasunduan. Kaso po ngayon ang liable company na Bicol Isarog ay pinapahirapan kami sa mga tulong financial at medical na kailangan ni papa sa gamutan nya. Hindi nila naibibigay ng maayos ang dapat na tulong na napagkasunduan at pinapahirapan kami. Sa una po okay sila kausap kaso habang tumatagal wala na po kaming natatanggap na aksyon sa kanila. Kinakapos na din po kami ng pinansyal na panggastos, hindi po biro ang byahe paroon at parito from Mandaluyong to QC at ang panggastos kapag nagbabantay ang aking mga kapatid at tita sa hospital. Kaya humihingi sana kami ng tulong na maipaabot itong post na ito kay sir Raffy Tulfo. Para matulungan kaming makuha ang hustisya sa aksidenteng naganap sa terminal nila.
Simula ng nangyari ang aksidente wala pong representative galing sa Isarog ang humarap sa pamilya namin.
Wala din po kaming tulong na natanggap sa employer nya, ang tanging maitutulong lang daw ay ang Insurance na kung makukumpleto ang requirements ay saka pa lamang makiclaim ni papa. At ang pagprocess ng sickness claim sa SSS, kahit pa naganap ang aksidente while on duty si papa.
Kasalukuyan pa pong nagpapagamot c papa at mrami pa pong operasyon ang kailangan nya harapin.
Raffy Tulfo in Action Raffy Tulfo TV5 TV5 News