Kwentong McDo

Kwentong McDo “Sharing you a feel good moments”

𝓚𝔀𝓮𝓷𝓽𝓸𝓷𝓰 𝓜𝓬𝓓𝓸 𝓟𝓻𝓮𝓼𝓮𝓷𝓽𝓼..."𝓜𝓤𝓛𝓐 𝓣𝓡𝓐𝓨 𝓟𝓐𝓣𝓤𝓝𝓖𝓞𝓑𝓖 𝓟𝓘𝓢𝓐𝓡𝓐”MANAGER: (Seryoso ang tono) Lyka, iwan mo muna 'yan. Sumunod ka sa ...
29/01/2026

𝓚𝔀𝓮𝓷𝓽𝓸𝓷𝓰 𝓜𝓬𝓓𝓸 𝓟𝓻𝓮𝓼𝓮𝓷𝓽𝓼...

"𝓜𝓤𝓛𝓐 𝓣𝓡𝓐𝓨 𝓟𝓐𝓣𝓤𝓝𝓖𝓞𝓑𝓖 𝓟𝓘𝓢𝓐𝓡𝓐”

MANAGER: (Seryoso ang tono) Lyka, iwan mo muna 'yan. Sumunod ka sa akin sa office ngayon din.

LYKA: (Napatigil, kinabahan) Po? Bakit po Manager? May nagreklamo po ba? O may mali po ba akong nagawa sa shift ko kanina?

MANAGER: (Hindi sumasagot, naglakad lang papunta sa counter.)

(Pagdating sa tapat ng counter, sa harap ng ibang crew, iniharap ng Manager ang kanyang cellphone kay Lyka. Nakabukas ito sa website ng PRC.)

MANAGER: (Dahan-dahang ngumingiti) Basahin mo 'to.

LYKA: (Nanginginig ang kamay na kinuha ang phone. Nanlaki ang mga mata.) "Nagal, Lyka Jane... PASSED."

LYKA: (Pabulong) Nakapasa ako... Sir, LPT na ako? G**o na ako?

(Dito na sasabog ang emosyon. Hindi na mapipigilan ni Lyka ang humagulgol sa tuwa. Mapapatalon siya, mapapaupo sa sahig, at dahan-dahang luluhod habang nakatakip ang mga kamay sa mukha.)

LYKA: (Humihikbi) Thank you, Lord! Maraming salamat! Pangarap ko lang 'to noon... dala-dala ko lang 'tong tray, pero ngayon... may lisensya na ako ng pagiging g**o.

(Lalapit ang kanyang mga katrabaho. Yayakapin siya ng mahigpit. May mga magpapalakpakan pati na ang ilang mga customer na nakasaksi sa pangyayari.)

KATRABAHO 1: Congrats, Teacher Lyka! Proud na proud kami sa'yo!

KATRABAHO 2: Sabi ko na nga ba, kakayanin mo 'yan eh!

(Haharap si Lyka sa mga kasama niya, puno ng determinasyon ang mga mata sa kabila ng pag-iyak.)

LYKA: Salamat sa inyong lahat. Ito talaga ang minimithi ko, ang makapagturo at maging inspirasyon. Gusto kong ipakita sa mga kabataan na kahit gaano kahirap ang buhay, kahit nagse-serve ka lang ng pagkain ngayon, basta hindi ka mawawalan ng pag-asa, darating ang araw na ikaw naman ang pagsisilbihan ng iyong pangarap.

𝓦𝓐𝓚𝓐𝓢...

Yung takot mo dahil tinawag ka ng Manager, napalitan ng luha ng kaligayahan. Hindi lang ito tagumpay ni Lyka Jane, kundi tagumpay ng bawat nangarap habang nagpapagod sa trabaho.

Congrats, Teacher Lyka Jane Nagal! Proud kami sa’yo! 🎉

#𝓖𝓸𝓪𝓵𝓡𝓮𝓪𝓒𝓱𝓮𝓭

~~~
PAALALA: ITO PO AY ISANG KWENTO AT PAGSASADULA LAMANG. ANUMANG NANGYARI SA SCRIPT NG PAKIKIPAG USAP AY WALANG KINALAMAN SA TOTOONG PAG UUSAP SA NATURANG KWENTO NI MS. LYKA JANE NAGAL. SALAMAT.

25/01/2026

May mga customer talaga na kala mo nabili na pati pagkatao natin. 🙄

Address

McDonald's
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 10:30am - 6pm
Tuesday 12:30pm - 6pm
Wednesday 11:30am - 6pm
Thursday 12:30pm - 6pm
Friday 10:30am - 6pm
Saturday 7am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kwentong McDo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share