14/06/2026
CHEF Rhem Domingo Reotutar always level up
Isa sa mga bagay na talagang nagpapakumbaba sa akin ngayon bilang Chef Consultant dito satin sa Pinas ay ang makakita ng mga batang kusinero na gustong matuto at sa mga andito padin kahit sobrang hirap ng trabaho na ito…
Sa bawat restaurant at team na napupuntahan ko, nakikita ko sa kanila yung batang ako noon gutom sa kaalaman, walang sawang magtanong, at handang matuto kahit gaano kahirap ang trabaho sa kusina.
At sa totoo lang, sila ang nagbibigay sa akin ng mas maraming dahilan para mag-share pa ng kaalaman at experiences ko.
Dati ang pasion ko magluto..
Ngayon, mas lumalim pa. Naging passion ko na rin ang magturo, mag-guide, at magbahagi ng mga natutunan ko sa loob ng halos dalawang dekada sa industriya.
Hindi madali ang buhay kusina. Mahabang oras, pagod, pressure, at maraming sakripisyo.
Pero sa mga nagsisimula pa lang, huwag kayong matakot magkamali. Matuto lang nang matuto at sulitin bawat pagkakataon na may nagtuturo sa inyo.
At para naman sa mga matagal na sa industriya na minsan pakiramdam nila dito na sila habambuhay at parang na-stuck na…
Huwag nyong i-down ang sarili nyo.
Iba-iba tayo ng journey. Hindi porket matagal ka na sa isang posisyon o isang lugar, ibig sabihin wala ka nang patutunguhan.
Minsan, hindi ka stuck. Baka nandyan ka dahil may purpose ka pa, may mga taong kailangan mong turuan, gabayan, at bigyan ng inspirasyon.
Hindi lahat ng success promotion ang sukatan. Minsan ang tunay na tagumpay ay yung impact na naiiwan mo sa mga taong nakakasama mo araw-araw.
Patuloy lang matuto, magturo, at magbigay ng halaga sa iba.
Kasi balang araw, yung mga tinuturuan natin ngayon ang magdadala ng industriya sa susunod na level.