07/09/2026
1️⃣ *Ang trabaho ay blessing, hindi punishment.*
“Binigyan tayo ni Lord ng work even before nagkaroon ng sin.”
Hindi man laging madali ang trabaho, may dignity at purpose ito. Kaya hindi natin kailangang isipin na “Trabaho lang naman ito.” May responsibility tayong in-entrust ni Lord sa atin.
2️⃣ *Hindi lang sa church nangyayari ang worship.*
Worship is not only singing, praying, or serving during Sunday. Pwede tayong mag-worship habang nagtatrabaho. Kapag ginagawa natin nang maayos, honest, at may malasakit ang trabaho natin, we are honoring God.
3️⃣ *Kung paano tayo nagtatrabaho, mahalaga rin.*
Hindi lang “Natapos ko ba ang trabaho?” kundi “Paano ko ito ginawa?”
May integrity ba? Maayos ba akong makitungo? Ginagawa ko ba ang best ko kahit walang nakakakita? Sabi sa Colossians 3:23, gawin natin ang trabaho “with all your heart, as working for the Lord.”
4️⃣ *Hindi ibig sabihin na dahil blessing ang work, kailangan tiisin lahat.*
Pwede tayong ma-stress, mapagod, o hindi maging masaya sa trabaho—and that’s okay. Gratitude doesn’t mean tolerating everything. We can set boundaries, ask for help, rest, or make wise decisions kapag hindi na healthy ang situation.
5️⃣ *Ang tanong: Para kanino ba talaga ako nagtatrabaho?*
Minsan nagtatrabaho tayo para sa salary, promotion, boss, recognition, or status. Pero ang challenge ng lesson natin is:
“What if I start seeing my work as something I ultimately do for God?”
Kaya kahit walang nakakakita, kahit walang recognition, at kahit ordinaryong task lang…pwede pa rin itong maging worship.