01/05/2026
‼️SCAMMER‼️
⚠️ BEWARE: DELIVERY MODUS ALERT ⚠️
Mag-ingat po tayo sa mga ganitong klaseng customers! Ginagamit ang identity ng iba (tulad ng account na ito na gumagamit ng profile picture ng mga pulis) para makapanloko ng mga delivery services.
Buti nalang nagpunta muna kami sa Police Station Dingalan para iconfirm kung legit ang transaction.
Paano ang kanilang Modus?
👉 Nagpapanggap na Customer: Mag-oorder sila ng pagkain (katulad ng takoyaki) para magmukhang legit ang transaction.
👉 Magpapasabay ng ibang transaction: Habang hinihintay ang order, makikiusap sila na magpabayad muna ng bills sa 7/11, gaya ng Starlink payment gamit ang isang barcode.
👉 Ipapa-add sa total bill: Sasabihin nila na i-add na lang ang binayad niyo sa barcode doon sa total amount na babayaran nila pagdating ng rider.
👉The Scam: Kapag nabayaran niyo na ang barcode, nakuha na nila ang pera niyo. Pagdating ng rider sa address, walang kukuha ng order at hindi na mahahagilap ang customer.
💡 Importante: Paano maiwasan?
1. Strictly NO PA-ABONO: Kahit ano pa ang dahilan—pambayad ng Starlink, kuryente, o load—huwag na huwag papayag na mag-abono para sa customer.
2. Maging Mapanuri: Ang mga scammer ay madalas gumagamit ng profile pictures na mukhang "authoritative" gaya ng naka-unipormeng pulis para makuha ang inyong tiwala.
3. Security First: Kung ang customer ay mapilit at may kakaibang request sa payment, red flag na agad 'yan.
Huwag nating hayaang masayang ang ating pinagpaguran. I-SHARE ang post na ito para balaan ang ating mga staff at kapwa negosyante!