02/02/2026
💯
Kapag may nag-aya sa’yo magkape… hindi laging kape ang pakay nun.
Minsan, pahinga.
Minsan, kwentuhan.
Minsan, pagkakataong marinig at maintindihan ka.
Sa gitna ng gulo ng buhay, ang pag-upo para sa isang tasa ng kape ay paalala na hindi kailangang madaliin ang lahat.
May mga desisyong mas malinaw kapag binigyan mo ang sarili mo ng oras.
Piliin mo kung sino ang kakasama mo sa mesa.
Hindi lahat ng ngiti ay may mabuting intensyon, at hindi lahat ng tahimik ay walang malasakit.
Ang kape lumalamig kapag pinabayaan ganoon din ang mga pagkakataon at relasyon.
Kaya kung may nag-aya sa’yo magkape at totoo ang hangarin, pahalagahan mo.
Minsan, sa isang simpleng tasa ng kape, doon mo marerealize kung sino ang nagbibigay ng lakas,
at kung sino ang dahan-dahang umuubos nito.
Tara kape?
Hustle Over Slavery - H.O.S