23/07/2026
❤️ Hindi lang kami nagbebenta ng pagkain. May dahilan kung bakit kami nandito.
Noong first week, ang mga meals namin ay nasa ₱49, ₱59, at ₱99. Akala namin sapat na iyon, lalo na't alam naming karamihan sa mga estudyante ng CNHS ay may baong nasa ₱50 lang.
Pero habang tumatagal, nakakausap namin ang mga estudyanteng dumadaan sa pwesto.
May isang kwento na talagang tumatak sa amin.
May ilang estudyante pala na pinipiling huwag nang mag-lunch. Nagpapalipas na lang sila ng oras sa bukid o sa kung saan, dahil ₱20 lang ang baon nila at inuuna nilang pagkasyahin iyon hanggang uwian.
Doon namin na-realize na may kailangan kaming baguhin.
Kaya gumawa kami ng Mix & Match Meal.
🍚 Sa halagang ₱20, may kanin, ulam, at FREE soup ka na.
May isang estudyante pang nagtanong sa amin:
"Ate, hindi po ba kayo nalulugi? Ang mura ng tinda n'yo, masarap pa, may free soup pa."
Ngumiti lang kami at sinagot siya:
"Basta makita naming busog at masaya kayong kumakain, sapat na sa amin 'yon. Maliit man ang kita, malaking bagay naman ang maitutulong namin." ❤️
Naniniwala kami na...
Mahirap mag-aral kapag GUTOM.
Kaya sa lahat ng CNHS students, nandito kami para sa inyo. 🤝
Kaya kung ang baon mo ay limitado, huwag kang mahihiyang lumapit. Dito, may pagkain na abot-kaya at inihahain nang may puso. ❤️
Cuyapo Nueva Ecija