27/03/2026
Real talk Lang...💯true...been in this biz for decades and still going strong despite and inspite of...may staff man o wala laban lng💪♥️🙂🧑🍳Kaya pa din
May ikukwento ako… simple lang pero medyo eye-opener.
One time, may student ako na nag message
“Chef, lilipat nalang po siguro ako ng pwesto… kasi may nagbukas na kapareho kong cake shop sa tabi ko.”
Gets ko yung kaba. Totoo naman.
Parang ang unang instinct natin is umiwas.
So tinanong ko siya…
“Pag may choice ka between dalawang kainan, saan ka mas napapapunta? Yung isa lang… o yung magkakatabi?
Napaisip siya.
Kasi kung mapapansin mo
lagi mong makikita si Jollibee at McDonald's magkatabi.
Hindi yan aksidente. Hindi yan “nagkataon lang.”
Pinipili nila yan.
Bakit?
Kasi alam nila yung isang bagay na madalas hindi natin naiintindihan as small business owners:
# Mas malakas ang lugar na may kumpetisyon kaysa sa lugar na ikaw lang mag-isa.
Oo, competition sila.
Pero at the same time… magkakampi sila sa pag-attract ng tao.
Imagine this
Kung may isang fast food lang sa isang street,
kailangan mo pa isipin:
“Worth it ba pumunta dito?”
Pero pag nakita mo na sabay sila nandun?
Automatic yan
“Ah, dito na tayo. Maraming choices.”
And once nandun ka na…
hindi na tanong kung pupunta ka o hindi.
Ang tanong nalang is:
“Saan ako kakain?”
And that’s the real game.
Hindi na nila pinipilit kumbinsihin ka na pumunta.
Nandun ka na eh.
Ang laban nalang…
sino ang pipiliin mo.
So balik tayo dun sa student ko.
Sabi ko sa kanya
“Hindi problema yung may katabi ka. Ang problema kung wala kang identity.”
Kasi kahit magkatabi si Jollibee at McDo…
hindi sila pareho ng atake.
May kanya-kanya silang strength.
May kanya-kanya silang loyal customers.
Ganun din sa cakes natin.
Hindi porket pareho kayong gumagawa ng cake…
pareho na kayo.
Hindi pareho ang style mo.
Hindi pareho ang lasa mo.
Hindi pareho ang kwento mo.
Minsan kasi… ang tingin natin sa competition is “BANTA”
Pero ang totoo?
Validation yan na may market sa ginagawa mo.
Kasi kung walang demand…
walang magtatabi sayo.
So instead of asking:
“Paano ko siya iiwasan?”
Maybe ask:
# Paano ko ipapakita kung bakit ako pipiliin?”
# Ano yung meron ako na hindi nila kayang gayahin?”
Kasi at the end of the day…
Hindi mo kontrolado kung sino ang magbubukas sa tabi mo.
Pero kontrolado mo kung paano ka lalaban.
Hindi sa paramihan ng followers.
Hindi sa pababaan ng presyo.
Hindi sa kung sinu mas sikat sa inyo.
Kundi sa lalim ng VALUE na binibigay mo.
And trust me…
KUNG ALAM MO KUNG SINU KA SA NEGOSYO MO KAHIT ILANG COMPETITOR PA ANG TUMABI SAYO HNDI KA MAWAWALA! Mas lalo ka pang makikita.
Kaya pag may gumaya sa ginagawa mo pag tumapat sa pwesto mo,wag mong didindibin to. Kundi mas pag butihin mo pa ang producto mo,at hayaan mo ang tao ang mag papatunay ng halaga ng gawa mo! Learn to complement not compete. Be a collaborator not a competitor!
Yun lang muna… bye!!
Lovelits
Chef Emily
Ghielicious VlogsKambal Entera OvatoledEmily Osit Germino AcayenWarren EspanilloAlotzkie ReyesSweet Gem Cake n' PastriesMerlie Costan LegaspiApril AlinsodRian's cakeApril Cuebillas NoblezadaMay Gozo MedinaTuazonEdna Villafuerte Zepeda - CortesNiña OgirdomDhay LopezCali FerrerMatubis B. AbigailAihr VillegasAlice Garcia MalitLai R. LlagasChefEmily Pacursa