04/09/2026
SEPTEMBER 4, 2026 | DONATION DRIVE 2026
A LITTLE KINDNESS CAN GO A LONG WAY. AND WHEN WE COME TOGETHER, WE CAN MAKE AN EVEN BIGGER DIFFERENCE.
What a meaningful and heartwarming day of Bayanihan! 🙌
Ngayong araw ang ating donation drive para sa ating mga kababayan na nasalanta ng habagat at matinding pagbaha. At tunay na nakakataba ng puso makita ang bawat isa na naglaan ng oras, effort, at tulong para makapagbigay ng kaunting ginhawa at pag-asa sa mga nangangailangan. 🙏
Sa lahat ng ating generous donors, volunteers, organizers, partners, at sa bawat taong naging bahagi ng araw na ito—maraming, maraming salamat! Dahil sa inyong kabutihan, mas marami tayong napadalhan ng tulong at higit sa lahat, naparamdam natin sa ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa.
Sana, sa susunod na panahon na tayo ay magkita-kita muli, mas maayos na ang kalagayan ng bawat isa—mas ligtas, mas matatag, at nasa mas magandang lugar.
Mula sa aming mga puso, maraming salamat sa inyong malasakit. Kapag tayo ay sama-sama, muling siSIBOL ang Camiling.