23/04/2026
ATTY. G QUICKTIPS! π«‘
Agree po ako sa sinabi po ninyo. π
At ito po ang malaking pagkakaiba ng kahulugan ng libel o libelo sa Pilipinas, kumpara po sa ibang bansa sa mundo. π€
Kapag nasa Pilipinas po kasi kayo, ang pagsasabi po ng katotohanan, ay hindi pa sapat na depensa upang makalibre po kayo sa kasong libelo; π€
Lalo na po kung cyber libel ang ikinaso po laban sainyo. π€
Kailangan niyo pa pong patunayan sa hukuman na wala pong halong malisya ang pagkakapost po ninyo. π€
Dahil ang siste, presumed po kaagad ng batas na malisyoso po kayo, kapag paninirang puri po ang ipinost ninyo; π€
Kahit totoo pa po ang lahat ng sinasabi ninyo. π€
Subalit sa ibang bansa po, katulad po sa Amerika mismo; π€
Ang pagiging makatotohanan po ng ipinost ninyo, ay isang absolute na depensa na po laban sa libelo. π€
At hindi nga po absolute truth ang hinahanap ng hukuman nito, kundi dapat substantially true lang ang inilalahad po ninyo. π€
At para po saakin, ay mas sang ayon po ako sa depinisyong ganito, dahil mas patas po ito. π
Sapagkat hindi po dapat natatakot ang isang tao na magsabi ng totoo, dahil lang po baka makasuhan ng libel o cyberlibel po ito. π€
At napakahalagang bahagi po ng isang demokrasya, ang malayang pamamahayag ng mga mamamayan nito. π€
Subalit tandaan po ninyo, na may napakahalaga rin pong doktrinang legal na 'dura lex sed lex' sa mundo. π€
O 'the law may be harsh, but it is the law.' π€
Kaya hangga't hindi pa po binabago ng Kongreso ang mga batas po natin sa libelo; π€
Kailangan parin pong magtodo ingat po tayo sa pagpopost ng kung anu-ano. π«‘