04/10/2026
PAGKILALA AT PAGPUPUGAY SA ATING MGA G**O ๐ฉโ๐ซ๐จโ๐ซ
Ngayong Teacherโs Day, buong puso nating binibigyang-pugay at pinasasalamatan ang lahat ng ating mga g**o na walang sawang naglilingkod at humuhubog sa kinabukasan ng kabataan. โค๏ธ
Maraming salamat sa inyong sakripisyo, tiyaga, oras, at dedikasyon upang maibigay ang wastong kaalaman at magandang aral sa bawat mag-aaral. Salamat sa inyong pagiging gabay, inspirasyon, tagapayo, at pangalawang magulang sa loob at labas ng paaralan.
Sa bawat leksyong itinuturo, bawat payong ibinibigay, bawat oras na inilaan, at bawat hamong inyong hinaharapโmalaki ang inyong naging ambag sa paghubog ng mga kabataang may pangarap at magandang kinabukasan. ๐
Hindi man sapat ang mga salita upang masuklian ang lahat ng inyong ginagawa, nais naming ipabatid na kayo ay mahalaga, kayo ay pinahahalagahan, at ang inyong kabutihan ay hindi kailanman malilimutan.
Maraming, maraming salamat sa inyong serbisyo at pagmamahal sa edukasyon! ๐
Happy Teacherโs Day sa lahat ng ating mga dakilang g**o!
Saludo kami sa inyo! ๐โค๏ธ