30/03/2024
This time, I WILL NOT KEEP QUIET. I WILL NO LONGER GIVE WAY AND UUNAWA❗
This is to spread awareness sa lahat lalong lalo na ang mga SUKI kong nalungkot sa ginawa nila sa aking pwesto! Para malaman ng lahat ang BULOK NA PAMAMALAKAD sa PLAZA FOODPARK. Sa WALANG MEDICAL CERTIFICATE na vendors. Maruming produkto ng ilang vendors. POWER TRIPPING ng LEADER ng Association sa Plaza. Sa PANG AAPI nila saaming TAKOYAKI business. PERSONALAN at BASTOSANG trato saakin/saamin! Once and for all para malaman ng buong Bugallon.
DISCLAIMER: Ang ginawang kabastosan sa pwesto at tent ko po ay walang kinalaman ang baranggay nor municipality. This is just between the ASSOCIATION namin at PRESIDENT namin.
Again, ito ay para sa mga SUKI ko at mga nagmamahal sa amin na gustong malaman at may karapatang malaman ang BUONG PANGYAYARI sa desisyon naming umalis sa loob ng FOOD PARK sa Plaza.
Incident: Una, gusto nilang palitpatin ako ng pwesto PERO HINDI PO AKO PUMAYAG dahil matagal na po ako sa pwesto at doon sanay ang mga suki ko sa pwesto ko na yun. Pero sa kasamaang pagkakataon, BINAKLAS ANG TENT KO NG WALA ANG PRESENSYA KO!
Pangalawa, KAPAG DAW HINDI BOTANTE SA BUGALLON, WALANG KARAPATAN NA MAGBENTA ayon sa aming PRESIDENTE.
Mga salarin:
— PRESIDENTE ng Association na nagbigay pahintulot sa bagong pwepwesto para kunin ang pwesto ko ng kahit AYOKO.
— MANGO GRAHAM SHAKE na nags*lsul at nagpumilit sa presidente na palipatin rin ako sa kadahilanang AYAW NYA RAW AKO KATABI.
— BAGONG PWEPWESTO (magtitinda ng burger at shawarma raw) sa aming pwesto na BASTOSANG TINANGGAL ANG TENT KO kahit na wala ako doon at ayoko pumayag sa gusto po nila. Worst is, kitang kita sa picture po kung paano nila ito TINAPON NA PARANG BASURA LAMANG!!! Kayo na po humusga if makatarungan ang ginawa nilang iyon kahit pa sabihing bumigay ang tent ko nung isang gabing umulan.
God knows and everyone knows kung paano ako/kami inaaway away sa Plaza noon pa man. Pero this time, hindi na po ako mananahimik dahil pagod na pagod na pagod na po akong umunawa sa mga kabastosan at pang-aapi na ginagawa nila saming pwesto dahil alam nilang hindi kami pumapatol.
Nagbebenta po kami dahil gusto naming kumita para sa pamilya pero lagi na lamang po kaming pinag-iinitan dahil sa mga personal na rason nila. INGGIT. SELOS. GALIT.
Instead na pumatol pa ay nagdesisyon po kaming maghanap na lamang ng lugar na mapagbebentahan na PAYAPA (walang laging awayan at sigawan na nangyayari).
— sa mga nais bumili, open po ang pwesto ng kuya ko tabi ni Ali King Shawarma na nagbebenta din po ng Takoyaki na parehas lamang po sakin. (matabang lalaki)
Again, this is to spread awareness para hindi na po magtatanong ang iba sa TOTOONG NANGYARI.
Sa aming mga suki at nagmamahal saamin, MARAMING SALAMAT sa lahat ng nag-comfort saamin. This shall pass. Mas gagalingan namin sa aming muling pagbubukas ng bagong pwesto.
Kasama po namin kayo sa araw at ulan, sa tumal at malakas, sa kahit anong okasyon.
Hindi po kami susuko, tayo'y magkikita kita pang muli SOON! 😍☺️