14/10/2026
THE STORY OF BAKE & BLISS BY JOEI 🧁🤎
Everything started on January 23, bago pa kami mag-take ng NCII for BPP. That time, iniisip ko kung paano ako magkakaroon ng sariling pera para sa mga gastusin ko sa OJT. Since dati naman na akong nagba-bake, naisipan kong subukan ulit, starting with my Chocomoist Cake.
Sa totoo lang, GLoan lang ang pinuhunan ko noon. Wala akong kasiguraduhan kung may bibili ba o kung mababawi ko ba agad yung perang hiniram ko. Pero tinry ko pa rin. Gumawa ako ng cake, pinicturan ko, at pinost online. Hindi ko inexpect na biglang dadami ang orders! 🥹
From that simple post, unti-unting nagsimula ang Bake & Bliss by Joei. Ang una kong goal ay magkaroon lang ng extra money para sa OJT, pero ngayon, naging business na siya na malaking tulong sa akin.
Behind every order, hindi lang basta baking ang ginagawa ko. Ako rin ang namimili ng stocks, bumibili ng ingredients at packaging, naghahanda ng orders, at nagde-deliver sa customers. May mga araw na ang dami kong kailangang gawin, at may mga gabing inaabot na ako ng umaga sa pagba-bake dahil sa dami ng orders. Minsan, pagod na pagod na rin ako, pero kailangan pa ring kumilos dahil may mga customers na naghihintay ng orders nila.
Hindi naman laging madali, pero sobrang fulfilling kapag nakikita mong unti-unting lumalago yung business na ikaw mismo ang nagsimula. Every order, every repeat customer, and every opportunity means so much to me.
Ngayong patuloy na lumalago ang Bake & Bliss by Joei, mas lalo kong nare-realize na hindi pala kailangan na malaki agad ang puhunan mo para makapagsimula. Minsan, kailangan mo lang talagang subukan kung ano ang kaya mong gawin at lakasan ang loob mong magsimula kahit hindi ka pa sigurado sa magiging resulta.
And now, here I am. A graduate who is building her own business while figuring out what the future holds. Hindi man ako agad nakapasok sa field na tinapos ko, thankful pa rin ako dahil may sarili akong pinagkakaabalahan, may sarili akong income, at may business akong patuloy na pinapalago.
Thank You, Lord, dahil mula January 23 hanggang ngayon, hindi Mo ako pinabayaan. Salamat sa bawat order, sa mga customers na patuloy na bumabalik, at sa lahat ng taong sumusuporta sa Bake & Bliss by Joei. ❤️
From a simple idea, GLoan puhunan, and a dream to earn money for my OJT, to a business that continues to grow. Hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ng journey na ito, pero proud ako sa sarili ko dahil sinubukan ko.
This is Bake & Bliss by Joei — built with hard work, countless sleepless nights, and a heart that refuses to give up. 🤎🧁
And this is just the beginning. ✨