13/09/2026
BAKIT NGA BA MAY ROGER'S?
NAGUMPISA ANG ROGER'S
HINDI LANG PARA KUMITA.
NAG-EXIST KAMI DAHIL SA MAS MALALIM NA MGA RASON O PURPOSE. 🙏
1. TO PROVIDE VALUE - Para may matakbuhan kayo.
Noon, walang makainan sa Binangonan after midnight. Yung mga pauwi galing trabaho o school umuuwi ng gutom, pagod. Kaya naitayo ang Roger’s sa Binangonan kase alam namin yung feeling ng gutom sa dis-oras ng gabi. Hindi lng basta pagkain, SARAP, SULIT, TIYAK UULIT.
2. TO MAKE A PROFIT - Para manatiling bukas kahit na tumaas pa ang lahat ng bilihin, LPG, sahod atbp.
Totoo, kailangan kumita para mag-survive. Pero yung profit na yan, hindi para magpayaman lng. Yan ang dahilan bakit hanggang ngayon BUKAS pa rin kami. Dahil sa inyong pagtangkilik, naitaguyod namin ang patuloy na serbisyo.
3. TO CREATE JOBS - Para sa maraming pamilya.
Nagsimula sa iisang kusinero. Ngayon, ilan na kaming pamilya ang binubuhay ng Roger’s? Yung mga staff natin, may pinapaaral, may pinapakain, may pangarap. Pag kumain ka sa Roger’s, hindi lang tiyan mo ang nabusog, pati pamilya nila.
4. PARA SA EKONOMIYA - Para umunlad ang bayan.
Small business lang kami, pero nagbabayad ng tax, kumukuha ng supplies sa local palengke, tumutulong sa pag-unlad ng Binangonan at Taytay. Every order mo, ambag mo sa ekonomiya natin.
5. TO BRING INNOVATION - Para mas mapadali ang araw-araw na pagaasikaso mo ng kakainin.
Naalala niyo ba? ang mga student meals na swak sa budget, ang mga bilao at food trays naman na pang-handaan, isang order lang, ayos na ang buong pamilya. Hindi kami tumigil mag-isip ng mas convenient na paraan para sa salo-salo niyo.
6. TO BUILD A SUSTAINABLE FUTURE - Para sa susunod na henerasyon.
Kaya tayo naglilinis ng paligid/ canal, kaya inaayos natin ang waste disposal. Kaya tayo may "Pass It On" para mapakinabangan ang mga nakatambak lng. Kasi ayaw namin na negosyo lang kami ngayon, wala na bukas. Gusto namin, yung mga anak niyo, makakain pa rin sa Roger’s.
7. TO CREATE WEALTH - Hindi lang para sa owner.
Yung wealth na sinasabi nila, hindi lang pera. Wealth para sa employees na nagkaroon ng kabuhayan. Wealth para sa customers na nakatipid at nabusog. Wealth para sa community na nagkaroon ng pwedeng tambayan, kainan, at sandalan.
HINDI LANG PERA ANG PUNDASYON.
SI LORD ANG PINAGMULAN NG LAHAT NG OPORTUNIDAD AT KAYO ANG NAGPAPANATILI SA AMIN. 💛
MARAMING SALAMAT SA 20 TAON.
DAHIL SA INYO, UNTI-UNTI NAMING NAGAGAWA ANG PURPOSE NAMIN.
Ano yung pinaka na-appreciate niyo sa 7 rason na ito?
Comment below!👇
*