07/08/2026
This photo really touched my heart. 🥹
Naalala ko pa noong CoffeeGo days, hiyang-hiya pa akong mag-take ng picture ng customers. 😁 Wala pa kaming café noon. Wala pang magandang tables and chairs. Sa tabi lang ng kalsada, simpleng upuan, simpleng kape.
Pero nandiyan na sila. 🤎
From CoffeeGo, naging MoKafam, and now… Bloomies na. 🌿
And looking at these photos, narealize ko na hindi lang pala kami ang nag-grow—pati sila. 🥹
Through the years, nakita namin how this group grew, how their friendship stayed, and how they kept coming back. Parang sabay-sabay tayong lumaki at gumawa ng memories.
Dati, sa kalsada lang kayo nakaupo.
Ngayon, may sarili na tayong tambayan. 🥹
Kaya this is more than just a “before and after” photo. Proof ito kung gaano na kalayo ang narating nating lahat.
Hindi lang kayo customers. Parte kayo ng story namin. 🤎
Thank you for staying with us—from our small coffee cart hanggang sa MoKafé, and now Blend & Bloom.
Sana years from now, may another photo ulit tayo… at mas marami na naman tayong kwentong babalikan. 🥹🌱