26/09/2026
Bakit nga ba may delivery charge ❓
Separate po ang presyo ng pagkain sa delivery costs.
Humihingi po kami ng pasensya sa mga nagtatanong o nagrereklamo kung bakit may delivery charge kahit “Baao lang naman,” “malapit lang naman” o “katabing barangay lang naman”
Sa kasalukuyan, patuloy po ang pagtaas ng presyo ng gasolina, krudo, at maintenance ng sasakyan. Kung wala po kaming sariling delivery service, mapipilitan din po kaming umarkila o mamasahe ng ibang sasakyan upang masigurong ligtas at maayos na maihatid ang inyong mga order.
Gayunpaman, bukas na bukas po kami para sa PICK-UP option kung hindi po praktikal sa inyo ang delivery charge.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.
– KB Management