18/09/2026
REAL TALK SA MGA NAGNEGOSYO, BASE SA EXPERIENCE KO:
DAMI NGANG GAWA, WALA NAMANG KITA.
Masakit itong aminin bilang negosyante.
Minsan, kapag tiningnan mo ang production mo:
Busy ang mga tao.
Sunod-sunod ang orders.
Maraming clients.
Malaki ang collections.
Parang napakalakas ng negosyo.
Pero pagdating sa katapusan ng buwan…
“Teka… nasaan ang kinita?” 😂
Doon ko natutunan na hindi porket maraming trabaho, marami ka ring pera. At hindi rin porket maraming perang pumapasok, kita mo na ang lahat ng iyon.
May gastos sa:
Materyales.
Labor.
Renta.
Kuryente.
Delivery.
Outsourced services.
Rejects at back jobs.
Tax.
Sweldo.
May mga maliliit na gastos na kapag pinagsama-sama, hindi na pala maliit.
Minsan, tuwang-tuwa ka dahil may project kang nagkakahalaga ng ₱100,000.
Pero ang totoong tanong:
Magkano talaga ang natira sa ₱100,000?
₱30,000?
₱20,000?
₱10,000?
O baka…
Ikaw pa pala ang nag-abono. 😭
Isa rin ito sa pinakamalaking pagkakamali ko noon—masyado akong nakatingin sa sales.
Akala ko kapag lumalaki ang sales, lumalaki rin ang negosyo.
Hindi pala automatic.
Puwede kang magkaroon ng ₱1 million na sales, pero kung ₱950,000 naman ang gastos mo, hindi ka milyonaryong negosyante.
May ₱50,000 kang problema. 😂
Kaya habang tumatagal ako sa negosyo, hindi na ako basta nai-impress sa malalaking sales figures.
Mas gusto kong malaman:
MAGKANO ANG TOTOONG NATIRA?
Walang saysay na punong-puno ang production kung bawat proyekto naman ay kinakain lamang ang oras, tao, makina at resources mo.
Minsan, ito rin ang mahirap tanggapin:
Hindi sales ang problema.
Costing pala.
Pricing pala.
Expenses pala.
Efficiency pala.
O baka may produkto kang mabenta nga, pero hindi naman talaga profitable.
Ngayong Ber months, siyempre gusto natin ng maraming orders, malakas na sales at punong production.
Pero ayoko nang basta marinig na:
“Ang dami nating gawa!”
Ang gusto kong marinig sa dulo ay:
“ANG DAMI NATING GAWA—AT KUMITA TAYO.”
Because business is not just about being busy.
Business is about creating value and making enough money to continue creating that value.
Kaya kung negosyante ka, huwag mo lamang itanong:
“Magkano ang sales natin?”
Tanungin mo rin:
“MAGKANO ANG NATIRA?”
Kasi minsan…
Dami ngang gawa. Wala naman palang kita. 😭
ctto.