Alejandro's Puhon Coffee - Alicia

Alejandro's Puhon Coffee - Alicia Alejandro's Puhon Coffee, Maharlika Highway, Antonino, Alicia, Isabela

Sa ating pagtanda, mapagtatanto mo na hindi sa haba ng panahon ng pagkakakilala nasusukat kung sino ang iyong tunay na k...
21/01/2025

Sa ating pagtanda, mapagtatanto mo na hindi sa haba ng panahon ng pagkakakilala nasusukat kung sino ang iyong tunay na kaibigan. Bagkus, kung kanino mo nararamdaman na ika'y umiiral, naintindihan, napapakinggan, nasusuportahan at hindi kailanman nakalimot kahit pa sa pinakamayabong nyang katayuan.

Isang dekada man kayong nagkasalamuhan, dahil ikaw yung nandiyan, ito'y walang kabuluhan sa isang taon at isang buwan niyang bagong kasamahan.
Pilit mo mang isalba sa kahit ano pang paraan ang inyong samahan, wala na itong katuturan.

At sa pagsapit ng kanyang huling kaway, mapapa-iling ka nalang...
Hindi naman talaga natapos ang inyong pagkakaibigan, bagkus, sa simula palang, hindi ka naman talaga niya tinuring na kaibigan.


Kasiyahan mo bago ang akong nasa kalungkutan.Kalayaan mobago ang akong nasa kulungan.Kapayapaan mobago ang akong nasa ka...
10/12/2024

Kasiyahan mo
bago ang akong nasa kalungkutan.
Kalayaan mo
bago ang akong nasa kulungan.
Kapayapaan mo
bago ang akong nasa kaguluhan.
Kagalingan mo
bago ang akong sugatan.

Sa lahat ng bagay sa harapan,
ang pinili ay ikaw.
Pero bakit parang ako pa 'yung nagkulang?
Bakit parang ako pa yung may kasalanan?
Bakit parang ang lahat ng binigay hindi mo naramdaman?

Tumayo ako sa iyong kanan,
ngunit atensiyon mo'y sa kaliwa naman.
Nagsasakripisyo sa harapan,
ngunit ang interes ay nasa likuran.

Pakakawalan nalang kahit gusto pang hagkan.
Bibitawan nalang kahit gusto pang ipaglaban.
Ngingiti nalang kahit humahagulgol na ang kalooban.
Bubuin ang sarili, sa basag-basag na katawan.

Alam kong hindi ako.
Alam kong hindi naman naging ako.
Alam kong iba ang gusto mo.
O kaya naman siya pa rin ang nasa iyong puso.


Sa harap ng reyalidad ng mundo,Katahimikan kadalasan ang paraan mo.Upang ikubli ang mag bagay na gumugulo,Hindi nalang i...
08/12/2024

Sa harap ng reyalidad ng mundo,
Katahimikan kadalasan ang paraan mo.
Upang ikubli ang mag bagay na gumugulo,
Hindi nalang ito sinasabi, bagkus ito'y itnitatago.

Hirap tukuyin kung alin ang pagod na at masakit.
Kung ang puso ba o isip?
kung ang katawan ba o kaluluwa?
O kaya nama'y lahat ng nabanggit.
Pinipilit mo na lang talaga—
Na kayaning hindi nalang ikuwento sa iba.

Hindi na paliwanag ang sagot mo sa kumusta?
Kundi isang payak na “ayos lang”.
Hindi tiyak ang tunay na kahulugan—
Iniiwasan mong pag-usapan.

Hindi kita masisisi.
Ganito lang talaga siguro,
Kapag pagod ka na sa lahat—
Wala ka ng gana magkuwento ng bigat.

Hindi kailanman kabawasanang mga una nating sablay at pagkakamali. Basta alam mong ibinigay mo yung pinaka-kinaya mo. Ba...
21/11/2024

Hindi kailanman kabawasan
ang mga una nating sablay at pagkakamali.
Basta alam mong ibinigay mo yung pinaka-kinaya mo.
Banat lang nang banat.
Magkamali man,
ayos lang dahil kasama sa buhay yan!
Ang mahalaga may natutunan tayo
sa bawat hakbang na ginagawa natin.

✨AUTOLAB CARWASH  +  ALEJANDRO'S PUHON COFFEE☕️Relax, refresh, and recharge! 🚗☕Treat your car to a premium wash at AUTOL...
21/11/2024

✨AUTOLAB CARWASH + ALEJANDRO'S PUHON COFFEE☕️

Relax, refresh, and recharge! 🚗☕

Treat your car to a premium wash at AUTOLAB CARWASH while you indulge in your favorite coffee or drink and good eats at ALEJANDRO'S PUHON COFFEE.

We are now on our SOFT OPENING!
ALEJANDRO'S PUHON COFFEE - your new favorite cafe in town!

📍 National Highway, Antonino, Alicia, Isabela

Address

Alicia
3306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alejandro's Puhon Coffee - Alicia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category