04/10/2025
😡Gusto ng hipag (35f) ko na asawa ng kuya (36m) ko na ako ang gumastos sa CS delivery niya?? Ako ba ang problema d2??😡
Mga ka-STT, need ko lang tlga ng outlet kc sumabog na ulo ko kagabi 😤.
So ako po ay isang 29M OFW sa Saudi, 4 yrs na aq d2. Medyo ok2 nmn sweldo ko, single pa din aq, kaya un iba akala nila ginto na inuulan ako araw2 🤦. Eh ang kuya ko (36M) call center agent d2 sa Pinas, tas ung asawa niya aka hipag ko (35F), proud SAHM daw sya. Pangarap daw niya un kaya di nagwowork, ok fine choice nila.
PROBLEMA: pang-apat na anak na nila to be exact, November na manganganak, at ayaw nila sa public hospital. Gusto private, CS delivery pa.
Eto na nga last week nagtext sila sakin. Di na tanong2 ha, demand agad na ako daw magbabayad lahat ng hospital bills ni SIL . Nabasa ko ung text ko habang nasa work aq, syempre busy aq d2, di agad nakareply. Pag-uwi ko tsaka ko sila tinawagan.
Tinanong ko,
“Bakit ako? Wala ba kayong ipon jan?”
Alam nyo sagot??? “Eh marami ka nmn pera, single ka, malaki padala mo kila mama. Isa lang nmn kapatid mo, bakit di mo matulungan? Naglalabas ka pa ng alahas, laptop, flex flex ka jan. Eh ako manganak di mo pa mabayaran??”
Like… WHAT?? 😳
Mga lods, ung binili kong alahas investment ko un, matagal ko nang plano. Yung laptop regalo ko sa sarili ko nung bday ko. Di naman ako nanghingi sa kanila, sariling pawis ko un. Pero sa kanila daw, kung afford ko bumili ng ganyan, dapat afford ko rin bayaran lahat ng magiging CS hospital bill nila.
Di ko gets mindset nila. Ang hipag ko, todo aesthetic ng bahay, bili agad kung anong makita online shop, tapos puro reels at tiktok pa na kunwari maganda buhay nila. Eh sa totoo, lubog sila sa utang. Si kuya, di man lang magtama ng salita. Spoiled sa asawa.
Sabi ko handa aq mag-ambag, pero wag nila iasa lahat sa akin. Ang reply?? “Ayaw namin public hospital, gusto ko private kc gusto ko maayos experience ko. Dapat ikaw magbayad lahat kc mas may pera ka.”
Tangina, ako na nga nagtatrabaho sa disyerto, ako pa obligadong tustusan lahat ng luho nila. Parang kasalanan ko pa na responsable akong mag-ipon at hindi anak ng mall shopee lazada 😂.
Nag-away pa kami kagabi sa VC. Hipag ko iyak2 pa, parang ako pa kontrabida. Si kuya ko naman, wala lang, tahimik lang, parang sang-ayon. Ang sakit lang mga lods kc kapatid ko un, pero bakit parang binabaliwala nila pinaghirapan ko?
Kung tutuusin, anak nila un, responsibility nila, hindi sakin. OFW ako pero hindi ako walking ATM machine. Hindi porket single ako eh automatic na libre na lahat ng gastos nila.