21/06/2026
👔❤️ Happy Father’s Day! ❤️👔
Papa- Daddy- Tatay- Tatang- at Papi 🫰🏻
Sa lahat ng aming masisipag at PoGi na haligi ng tahanan, at lalo na sa aming mga tatay na customers, isang taos-pusong pagbati ng Happy Father’s Day!
Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon para sa inyong pamilya. Saludo kami sa mga laban na tahimik ninyong hinaharap 🙏mga hamon na kayo lang ang tunay na nakakaalam.
Dito sa NaDerang, sa kusina man, sa dining area, sa delivery o sa bawat pamilyang aming nasisilbihan, kitang-kita namin ang inyong sipag at pagmamahal. Kayo ang tunay na inspirasyon.
Dalangin namin na patuloy kayong pagpalain ni Lord ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at kapayapaan. Nawa’y dinggin Niya ang inyong mga panalangin at suklian ang bawat sakripisyong ginagawa ninyo para sa inyong pamilya.
Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala sa NaDerang. Nawa’y maging masaya at makahulugan ang pagdiriwang ninyo ngayong Father’s Day.
💙 Happy Father’s Day!
– Team NaDerang
“We don’t just cook, we care.”