31/03/2020
Oks Manoks will be closing on March 31, 2020. Gusto po naming magpasalamat sa bawat customer na aming napaglingkuran.
Napakasaya po namin sa dalawang taong araw-araw kaming nagluluto at nagdedeliver sa inyo.
Masaya kami sa bawat feedback at appreciation na aming natanggap. Masaya kami sa bawat "ang sarap ng luto niyo" na aming naririnig.
Masaya din kami sa inyong kabaitan at pasensya sa tuwing kami ay may pagkukulang, at sa inyong mga suggestions para kami ay mag-improve.
Masaya kami na kayo'y aming nakilala, nakausap sa telepono, nakachat sa facebook, nakaharap sa delivery. Napakarami pong pagkakataon na kami'y inyong napapangiti sa inyong mumunting mga kwento at mga biro sa tuwing kayo'y magoorder. Marami sa inyo'y amin nang naging regular customers. Ang dami dami po naming nakilalang kapwa OFW mula sa iba't ibang industriya, may nurses, teachers, nannies, household help, office staff, engineers, construction workers, sales people at marami pang iba.
Mamimiss po namin kayong lahat. Mamimiss po namin ang inyong pag-order ng ORIGINAL, HONEY, SPICY o INASAL Lechon Manok. Kami may magsasara na, naway ipagpatuloy natin ang pagtangkilik ng PAGKAING PINOY dito sa Dubai at maging saan man tayo makarating.
Mula sa buong team ng Oks Manoks, maraming maraming salamat po. ❤