02/09/2026
πππ ππππππ. πππ πππππππ. πππ π
πππππ. π€
Isang taon ang lumipas, at ngayon ay panahon na upang balikan ang mga alaala, hamon, at tagumpay na ating pinagsaluhan. Ang aming termino bilang AFPS Officers ay hindi lamang tungkol sa mga programang naisagawa, kundi tungkol sa mga taong nakasama namin, mga aral na natutunan, at mga karanasang humubog sa amin bilang mga lider at Future Public Servants.
Hindi naging madali ang maging officer. May mga araw na napagod tayo, nakaranas ng pagsubok, at kinailangang gumawa ng mahihirap na desisyon. Ngunit sa bawat hamon, mas naunawaan namin na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang tungkol sa posisyon, kundi sa kahandaang maglingkod, makinig, at kumilos para sa kapakanan ng nakararami.
Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at pakikiisa sa bawat programa at gawain ng AFPS. Ang bawat oras, effort, at sakripisyo nyo ay naging bahagi ng mga tagumpay na ating nakamit bilang isang organisasyon.
Maaaring nagtatapos na ang aming termino, ngunit hindi dito nagtatapos ang aming paninindigan sa paglilingkod. Dala namin ang mga aral at karanasang ito sa mga susunod naming hakbang bilang Future Public Servants.
One Public. One Purpose. One Future.
Isang komunidad na nagkakaisa.
Isang layuning nakatuon sa paglilingkod.
Isang kinabukasang sama-sama nating bubuuin.
Maraming salamat sa tiwala, suporta, at pagkakataong makapaglingkod.
Saludo sa lahat ng ating outgoing AFPS Officers! π€