26/05/2025
NAKAKAKILIG pagnaaappreciate ng iba ung products mo.
Share ko lang today, naimy day ung lemonade natin (sayang di ko nalagyan ng sticker ni flavorland). Weeks ago, gusto ko muna talaga itigil magpop up cart bukod kasi sa nakakapagod magset up, konti lang ung sales bukod pa dun marami akong naabalang tao (sa paghahatid at pagbili ng ibang needs na ingredients and supplies). Sabi ko magwowork na muna ako... pero paano naman ako aalis pag ganyang namimiss nyo ung products namin. Sabi nga nila hanggat may isang naniniwala magpatuloy ka, malay mo sa susunod umayon na sating ang tadhana. Maliit ang kita pero atleast ung cravings ng iba finally makukuha na nila, un naman ung kasiyahan ng small business owner ehh... ung alam naming nasatisfy ung customers namin.
Thank you sa lahat ng nkakaappreciate ng drinks namin, idamay nyo na lahat ng kakilala nyo sa cravings nila.
Visit us Shell Sto. Domingo, crossing!
Have flavorful day!