23/09/2026
CUP N GRIND
San Jose, Occidental Mindoro | Est. March 3, 2024
OUR STORY🩷☕️
Ang Cup N Grind ay masayang itinayo ng isang anak para sa kanyang ina.
Isang simpleng regalo para magkaroon ng paglilibangan si Nanay.
Mula sa isang maliit na kapehan, ito ay naging tambayan ng bayan.
Hindi lang dahil sa iba-ibang lasa at masasarap na inumin,
kundi dahil sa tunay na kape at tunay na pagmamahal sa bawat tasa.
Dito nabuo ang pamilya.
Dito nagsimula ang tawanan, kwentuhan, at samahan.
At hanggang ngayon, patuloy na lumalaki ang komunidad.
Kaya nabuo ang tawag na "Mga Anak ni Mami Weng"
• ang nanay na barista ng bayan.
OUR MISSION💜☕️
Maghatid ng kape na may puso.
Magbigay ng abot-kayang, masarap, at de-kalidad na inumin
sa isang lugar na parang bahay - mainit, masaya, at walang iwanan.
Para sa mga estudyante, manggagawa, at pangarap na kape ang kasama.
OUR VISION💜☕️
Maging tahanan ng bawat Juan sa San Jose.
Ang Cup N Grind ay hindi lang kapehan.
Ito ay komunidad.
Pangarap namin na sa bawat tasa, may maibigay kaming ginhawa,
inspirasyon, at dahilan para ngumiti at magpatuloy sa pag-grind ng buhay.
OUR CORE VALUES💚☕️
1. Puso sa Paghahatid - Gawa ni anak, para kay ina, para sa lahat.
2. Tunay na Sarap - Tunay na kape, walang arte.
3. Tambayan Vibes - Dito ka welcome👌Dito ka pamilya.❤️
Maraming Salamat po sa patuloy na pag suporta🙏🙏