04/10/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ - ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Ang "๐๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐๐ข๐ค๐๐ญ" ay isang buwanang paligsahan na sumusubok sa pagkakaisa, pagkamalikhain, at kagalingan ng bawat seksyon upang mapanatiling maayos ang ating pangalawang tahanan.
Ngayong buwan, pinagsanib natin ang saya at kilabot ng Halloween at ang mahalagang adbokasiya ng "Affordable and Clean Energy".
Hinahamon ang bawat klase na mag-isip nang labas sa kahon: Paano natin gagawing nakamamangha ang ating mga silid gamit ang recycled materials?
Ang mananalo sa buwang ito ay hindi masusukat sa dami o kinang ng mga palamuti. Nasusukat ito sa kung paano natin naipapakita na ang pagiging malikhain ay hindi kailangang makasira sa kalikasan.
Aling seksyon kaya ang mangibabaw at tatanghaling pinakamahusay ngayong buwan?
Buhayin ang diwa ng bayanihan, GMATHSians! Ipakita ang inyong nakakabighaning galing at wais na likha!