27/04/2026
“MASARAP BA ANG KAPE D’YAN SA BLC?” ☕️🧋
Sa totoo lang, hindi namin gustong kami ang unang magsabi na “MASARAP” ang drinks namin—
kasi alam naman namin, iba-iba ang panlasa ng bawat Beanie. 🫶🏼
May gusto ng matamis, may mahilig sa strong coffee, may iba na hanap lang talaga ay pampawala ng pagod at stress.
Hindi rin kami perfect sa bawat timpla.
May araw na sakto, may araw na nag-a-adjust pa.
Pero ito ang sigurado namin…
Bawat baso na ginagawa namin sa BLC, may effort.
May oras. May pagod. At higit sa lahat—may “gusto naming mapasaya ka.”
Para sa amin, hindi lang siya basta kape o drink.
Tagpuan siya. Kwento siya. Konting kilig sa gitna ng araw mo. ☁️
Kaya kung tatanungin mo kami:
“Masarap ba ang drinks sa BLC?”
Hindi namin sasagutin agad, gusto namin na ikaw ang makaramdam at humusga.
Pero kung ang tanong ay:
“Sulit ba?”
OO. Susubukan namin lagi na 00. 🫶🏼
Kasi sa BLC, ang goal namin hindi lang magbenta ng drinks—
kundi magbigay ng dahilan para bumalik ka ulit.
— BLC ☕️