20/01/2026
Hi guys! Hindi ako kagad nakapag update. May mga pa order po kasi ako na souvenir soaps. Magkakaroon rin po kami ng resellers and rebranders. Kung oorder po kayo o kaya gusto ninyo po maging rebrander namin, message lang po. Magbibigay po ako ng sample products and we will also discuss kung anong ingredients ang gusto ninyo sa mga sabon na irerebrand ninyo po.
Tuloy po ang pa-survey natin kasi gusto po namin na malaman kung anong produkto ang aming irerelease para po sa skin care brand na ilo-launch namin soon. We are tying up with a coffee shop kung saan dun po namin gaganapin ang pa survey. Mamimigay rin po kami dun ng mga free products sa mga lalahok.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta at pagtangkilik.
Manigong 2026 po sa ating lahat!